-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Hindi lang tao pati mga alagang hayop ay na-trauma din sa sunod-sunod na malalakas na lindol sa probinsya ng Cotabato.
Nang lumikas ang libo-libong mga pamilya sa bayan ng Makilala, Mlang,Tulunan Cotabato at Kidapawan City maraming alagang hayop ang naiwan sa ground zero.
Pagala-gala na lamang ang mga alagang aso, pusa at iba pa sa mga barangay na grabeng sinalanta ng lindol lalo na sa bayan ng Makilala.
May ilang alagang aso, pusa ,manok, kambing, kalabaw, baka, baboy at ibang hayop ang isinama ng mga may-ari sa evacuation sites.
Dahil nga sa limitado ang suplay ng pagkain at tubig, pati mga aso at pusa ay gutom at inuhaw.