Ibinasura ng US Supreme Courts ang mga petisyon laban sa Affordable Care Act.
Karamihan sa mga nagpetisyon sa nasabing panukalang batas ay mga mambabatas mula sa Republicans at mga kaalyado ni dating US President Donald Trump.
Ayon sa mga justices na ang mga petitioners ng 2010 na kilalang Obama Care ay walang anumang sapat na legal na basehan.
Sa botong 7-2 ay mananatiling intact ang health care coverage ng ilang milyong Americans.
Base sa Department of Health and Human Service na aabot sa 31 milyon Americans ang may health coverage sa pamamagitan ng Affordable Care Act.
Tiniyak naman ng isang petitioner na si Attorney General Ken Paxton na kaniyang iaapela ang nasabing desisyon ng korte.
Ito na ang pangatlong petisyon laban sa batas na ibinasura.