-- Advertisements --

Naghain na rin ang Makabayan bloc sa Kamara ng petisyon sa Supreme Court (SC) para kuwestiyunin ang provincial bus bun ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Chairperson Atty. Neri Colmenares, wala raw kapangyarihan ang MMDA para magpatupad ng sarili nitong desisyon sa kung sino ang puwede at sino ang hindi maaring payagang magkaroon nv terminal sa EDSA.

Maliban dito, kuwestyunable rin ayon sa mga petitioner ang mistulang ura-uradang kagustuhan ng MMDA na mipatupad ito kahit pa hindi naman nakonsulta ang mga apektadong stakeholder.

Naniniwala ang mga petitioner na malaking persisyo ang idudulot ng planong bus ban ng MMDA lalo na sa mga senior citizen at mga person with disabilities (PWD’s).

Una rito, naghain ng petisyon si AKO Bicol party-list Representatives Ronald Ang at Alfredo Garbin Jr at Albay Rep. Joey Salceda ng petisyon kaugnay ng naturang isyu.

Hiniling ng mga petitioners na mag-isyu ng temporary restraining order ang Korte Suprema para huwag munang ipatupad ang Regulation No. 19-002 ng MDA.


Ang mga petisyon ay nakasama sa agenda ng mga SC justices noong Martes matapos ang dalawang buwang break.

Pero ipinagpaliban ito ng mga mahistrado ng SC sa Hunyo 25.

Dahil dito, posibleng pag-isahin na lamang ang mga petisyon bago talakayin.

Sa ngayon ay sinuspindi na ng MMDA ang implementation ng provincial bus ban sa EDSA para makapagsagawa pa ng public consultations lalo na sa mga riding public at iba pang stakeholders.