Magsasagawa ng pagdinig ngayong araw ang Commission on Elections (Comelec) First Division kaugnay sa mga petisyong tumututol sa bid ni dating National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema na maging substitute nominee sa Duterte Youth partylist.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, napadalhan na ng notices sina Cardema at lahat ng partido para sa pagdinig na gaganapin mamayang ala-1:00 ng hapon.
Dagdag pa ni Guanzon, magiging kawalan kay Cardema kung hindi ito dadalo sa pagdinig.
Pero ayon sa election lawyer na si George Garcia na hindi require para sa mga respondent na dumalo sa Comelec hearings.
Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ni Garcia si Cardema na dumalo sa pagdinig para sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa kanya.