KALIBO, Aklan – Inilabas ng Department of Tourism (DoT) ang mga petsang bawal dumaong ang mga cruise ships sa isla ng Boracay.
Simula Abril 16 hanggang Mayo 16, 2019, ban muna ang cruise ships sa isla upang mabantayan ang carrying capacity nito dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga turista ngayong Semana Santa at summer season.
Nabatid na ang carrying capacity ng Boracay ay hanggang 19,215 lamang bawat araw kasama ang 6,405 tourist arrivals bawat araw.
Samantala, mahigpit rin na binabantayan ngayon ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group ang mga itinakdang alintuntunin at ordinansa lalo na ngayong Kuwaresma.
Kaugnay nito, umapela ang DoT sa publiko na iwasan munang mag-post o mag-share ng mga lumang videos at litrato ng cruise ships sa Boracay na pinapalabas na parang bagong pangyayari dahil maaari umano itong magdulot ng alarma at pagkalito.
Sa kabilang dako, ang iba pang “close out dates†para sa cruise ships na itinakda ngayong taon ay sa Oktubre 26 hanggang Nobyembre 8 para sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day; Nobyembre 23 hanggang Enero 5, 2020 para sa gaganaping Southeast Asian (SEA) Games gayundin ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.