-- Advertisements --

Nagbigay na ang katiyakan ang Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong kakayahan ang mga local pharmaceutical companies na mapunan ang pangangailangan ng mga Filipinos na paracetamol at ibang mga over-the-counter na gamot.

Kasunod ito sa reklamong natatanggap ng ahensiya na nagkakaroon ng kakulangan ng suplay ng nasabing mga gamot sa iba’t-ibang botika sa bansa.

Sa ginawang talk to the people nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na mayroon umanong malaking production capacities ng mga local manufacturers.

Paglilinaw nito na hindi nagkakaroon ng shortage ng mga gamot at sa halip ay nawawalan lamang ng stocks ito sa mga botika dahil sa laki ng demand.

HInikayat nito ang mga mamamayan na huwag magpanic-buying ng mga gamot.