-- Advertisements --

Sa pamamagitan ng Immunizing Pharmacist Certification Program ay maaari na ring magturok ng coronavirus vaccines ang mga pharmacists sa bansa.

Ang Philippine Pharmacists Association (PPhA) ay nakakuha ng accreditation mula sa Professional Regulation Commission at Professional Regulatory Board of Pharmacy na turuan at sertipikahan ang mga Pinoy pharmacists sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines at iba pang bakuna sa pamamagitan ng PPhA Immunizing Pharmacist Certification Program.

Inilunsad noong Abril 5 ang naturnag programang ito.

Batay sa Section 4, Article I ng RA No. 10918, ang isang indibidwal na nagpa-practice ng pharmacy ay maaaring magturok ng adult vaccines na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) basta’t sasailalim sila sa training para sa safe administration ng mga adult vaccines at management ng Adverse Event Following Immunization (AEFI) para sa mga pharmacists at magkaroon ng certificate of training mula sa isang institusyon na accredited ng PRC.

Sa isang pahayag, ikinagalak ni Maria Gilda Sebua-Saljay, presidente ng Philippine Pharmacists Association ang magiging papel ng mga pharmacists sa national vaccination program ng gobyerno.

Tiniyak nito na masusi nilang babantayan ang mga kapwa nila healthcare professionals upang tiyakin na magiging ligtas at epektibo ang pagbabakuna para tuluyang makaahon nang makaahon ang Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa PPhA para sa kanilang inisyatibo at pagtulong ngayong may hinaharap na health crisis ang bansa.

“As we ramp up our COVID-19 vaccination program in the coming months, we are expecting a greater demand for the human resources for health who will be administering the vaccines,” ani Vergeire.

“As a long-time partner of the Department of Health in advocating better health outcomes, we look forward to the accreditation of the PPhA as a training provider for pharmacists. These collaborations with professional societies are instrumental to bringing an end to this pandemic,” dagdag pa nito.