-- Advertisements --

Nagbabala ngayon ang Department of Trade and Industry sa Cebu (DTI – Cebu Provincial Office) na pagmumultahin nito ang mga establisimiyento na mahuhuling nagbebenta ng mga face mask sa mas mataas na presyo.

Tiniyak din nito ang publiko na patuloy nilang susubaybayan ang supply at presyo ng mga ito.

Batay pa sa kanilang monitoring, karamihan sa mga parmasya sa lungsod ay naubusan na ng stock ng mga surgical mask.

Unang araw pa lang nang kinumpirma ng DOH ang unang kaso ng Pilipinas sa 2019 novel coronavirus,nagkaubusan na agad ang supply ng surgical mask sa iba’t ibang pharmacy nitong lungsod.

Sa ngayon, humihingi na ng tulong ang DTI-7 sa suppliers mula sa Manila upang matugunan at madadagdagan ang nagkakaubusang stock ng mask.