BOMBO DAGUPAN — Nagpapatuloy pa rin ang aktibidad ng Mount Ruang sa North Sulawesi.
Ito ang ibinahagi ni Bombo International News Correspondent Rudy Celeste sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa paglabas ng Indonesian authorities ng tsunami alert kasunod ng magkakasunod na pagsabog ng bulkan.
Aniya na bagamat aktibo ang bulkan, ay noon pang 2002 ang naitala na pinakahuling pagsabog nito bago ngayong Abril 2024.
At dahil volcanic island at nasa gitna ng dagat ang lugar kung saan matatagpuan ang bulkan ay nagtaas ang gobyerno ng bansa ng tsunami alert sa mga karatig na lugar lalo na sa mga nakakaranas ng paglindol.
Saad pa nito na dahil walang mga naninirahan sa mismong isla ng bulkan ay wala ring naganap na pagkaantala sa anumang operasyon sa isla.
Samantala, dahil sa ang Manado City ang kabisera ng North Sulawesi na siya namang probinsya rin ng nasabing volcanic island.
Kaugnay nito ay hindi naman gaano aniyang nakakaalarma ang sitwasyon ng bulkan dahil wala itong gaanong epekto sa western region ng Indonesia at wala ring mga Pilipinong apektado sa pagsabog ng bulkan.