Pinaalalahanan ng think tank at advocacy group ang mga Pilipino na maging responsable sa pakikipagtransaksyon onilne at dapat na maging maingat laban sa cybercrime activities.
Ayon kay CitizenWatch Philippines co-convenor Tim Abejo, maraming mga Pilipino ang nagsasagawa ng maraming transaksyon sa online kada araw para maiwasan na mahawaan ng COVID-19 gaya na lamang ng banking, shopping, pag-order ng pagkain, work from home. Kung kaya’t sinasamantala ito ng mga scrupulous individual sa pagsasagawa ng cybercrime.
Paliwanag ni Abejo na mahirp na matukoy ang websites o emails na posibleng gumagawa ng cybercrime dahil pinagmumukahang lehitimo ng mga salarin ang mga emails at messages na kanilang ginagamit para sa cybercrime.
Sa kasagsagan ng pandemiya, triple ang bilang ng cyber tips na natanggap ng Department of Justice – Office of Cybercrime na umabot sa 1.2 million noong 2020 mula sa 400,000 sa nakalipas na taon. Karamihan sa crimes sa internet ay fraud, sexual abuse at exploitation, bullying at identity theft.
Nakitaan din ng pagdami ng naitatalang cybercrime cases ang PNP kung saan pumalo sa 550 ang online scam cases noong june 2019 mula sa 42 ang kaso ng online scam noong 2013.
Tumaas din ang insidente ng identity theft ng 258 noong 2019 gayundin ang system hacking at ATM o credit card fraud.