CEBU – Pinawi ng Bombo International Correspondent sa Israel ang matinding pag-alala ng ibang mga Pilipino sa Pilipinas hinggil sa kasalukyang sitwasyon ng bansa matapos tumindi pa ang tensiyon sa pagitan ng Palestine at Israel.
Ayon kay Jeremiah Parra na naglilipana ang mga rockets ng Palestinian militants sa Gaza patungong Israel naka alerto naman ang bansa sa panganib na dala nito sa pamamagitan ng pagharang nito sa itaas bago pa man bumagsak sa bansa.
Malaking tulong aniya ang sistema na pagpapatunog ng siren sa oras na may paparating na missile sa lugar. Dagdag pa nito na “manageable” lang umano ang sitwasyon sa ngayon dahil hindi naman ang buong Israel ang nasa tensiyon.
Sa katunayan, nasanay na umano ang ibang mga naninirahan sa bansa sapagkat hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong kaguluhan sa pagitan ng dalawang lugar.
Nasanay na rin umano ang iba sa urban war at kalimitan sa mga taga Israel ay may malaking pagtitiwala sa kanilang pananampalataya sa Poong Maykapal para sa proteksiyon ng kahit anung kaguluhan at sakuna.
Gayunpaman, naging mapagmasid din umano ang mga Pilipino sa lugar at nananatiling naka alerto at nakaantabay sa anunsiyo ng embahada at sa mismong pamunuan ng Israel.