Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Filipino na namamalagi sa doon na iwasan ang ilang lugar sa naturang bansa dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.
Layon ng paalalang ito na malayo ang mga ito sa anumang panganib dulot ng nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Ayon sa Philippine Embassy, kailangang iwasan ang ilang lugar sa Jerusalem (Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate, Al Wad Road, Musrara Road at bisinidad ng East Jerusalem).
Pinalalayo rin ng Embahada ang mga Pilipino roon sa West Bank , mga lugar na malapit sa border ng Gaza at Lebanon, Golan Heights at mga lugar na malapit sa military base o outpost.
Hindi rin inirerekomenda sa mga ito na magtungo sa mga mataong lugar kagaya ng mga malls at markets kung hindi naman kinakailangan.
Hanggat maaari ay huwag na na aniyang magtungo sa mga lugar na patuloy ang kaguluhan at karahasan.
Nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Israel simula pa noong buwan ng Abril ng taong ito ayon sa DFA.