-- Advertisements --

Pinawi ng Manila Economic and Cultural office (MECO) sa Taiwan ang pangamba sa gitna ng posibleng invasion sa nasabing teritoryo.

Ayon kay MECO chairperson at resident representative Cheloy Garafil, walang dapat na ikaalarma dahil ang lahat aniya sa Taiwan ay business as usual pa rin.

Nananatili din aniyang nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino doon at sanay na ang mga ito sa mga napapaulat na presensiya ng China sa palibot ng self-ruled island.

Iginiit din ng opisyal na mayroong nakahandang contingent plan ang MECO kasama na ang Department of Migrant Workers sakaling magkaroon ng emergency situation sa naturang isla.

Masusing nakikipag-ugnayan din ito sa mga awtoridad sa Taiwan kaugnay sa anumang mga usapin may kinalaman sa seguridad.

Subalit sa ngayon ay wala aniyang dapat na ikabahala dahil ligtas at secure ang mga Pilipno doon sa kabuuan.