LEGAZPI CITY- Matinding takot ang naramdaman ng ilang mga Pilipino sa Taiwan matapos ang malakas na pagyanig na kanilang naramdaman kasunod ng pagtama ng magnitude 7.5 na lindol.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ai Edual sa pagbabahagi nito sa Bombo Radyo Legazpi na hindi niya mabatid kung sino sa dalawang agala ang unang ililigtas ng mangyari ang insidente.
Subalit kapansin-pansin umano sa ilang mga local na tila hindi man lang naglabasan ang mga ito sa mga gusali at tinitirhan na tahanan sa kabila ng pagyanig.
Nabatid na maraming mga gusali ang nakapagtala ng pinsala dahil sa insidente subalit sinabi ni Adual na normal pa rin ang pasok sa trabaho sa Taiwan maliban na lamang sa mga napinsalang gusali.
Samantala, ipinagpasalamat naman nito ang pagiging maagap ng mga opisyal sa Taiwan na mabilis na umaksyon at nagbigay ng tulong sa mga apektadong residente.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa umano kung may mga Pilipinong nasaktan sa insidente.