-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang pagpapaabot ng tulong ng embahada ng Pilipina sa Taiwan sa mga Pilipino sa naturang bansa kasunod ng naranasang magnitude 7.5 na lindol.

Ayon kay Bombo International Correspondent Ma. Theresa Atillo Padin matinding trauma ang kanilang nararamdaman hanggang sa kasalukuyan dahil sa naturang insidente.

Kwento nito na hindi sila makatulog ng maayos dahil pakiramdam nila ay tila umuuga pa rin ang paligid.

Samantala, ipinagpapasalamat ni Padin na naituro ng mga ahensya ng pamahalaan sa Pilipinas ang mga dapat gawin sa tuwing nagkakaroon ng lindol.

Kwento nito na nagamit nila ng mga kapwa Pilipino ang duck, cover and hold na karaniwang ginagawa sa mga earthquake drill sa bansa.

Malaking tulong umano ito lalo pa at matinding takot ang kanilang naramdaman ng mangyari ang naturang malakas na pagyanig.