-- Advertisements --

Umaabot nasa 382 Pilipino ang natulungang mailikas sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa Ukraine.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola, nasa 330 Pilipino ang napauwi na dito sa bansa habang nasa 52 Pilipino naman ang nailikas sa ibang mga bansa.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration ang mga Overseas Filipino workers na nadisplaced ay makakatanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng $200 o P10,465 maliban pa sa ibibigay na educational at livelihood assistance.

Samanatala, ayon sa UN refugee, humaharap ngayon sa krisis sa pagkain, tubig at mga gamot ang mga naiwan sa Ukraine na nasa kabisera ng Mariupol na nakakaranas ng pambobomba mula sa Russian invaders, Sumy, Odesa at Donetsk.

Ayon sa UNCHR, umaabot nasa 2 million refugees ang nabigyn ng asylum sa Poland, Romania, Republic of Moldova, Hunagry, Slovakia, Russian Federation at sa Belarus.

Nauna na ring nagbabala ang UN refugee agency sa pagtaas ng panganib ng trafficking at exploitation dahil pumapalo na sa ngayon sa 90% ng mga kababaihan at bata ang nadisplaced dahil sa giyera.