-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naghahanda na ang mga Pilipino sa Ukraine sakaling lumala ang tensyon sa pagitan nila ng Russia.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Joy Fernandez sa Ukraine, sa ngayon ay nanatiling ligtas ang mga Pilipino sa nasabing bansa pero hindi sila pwedeng makapante.

Maalala na may namumuong tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia lalo na at may mga presensya ang halos 120,000 tropa sa border ng dalawang bansa.

Sinabi ni Fernandez na sinimulan na nang embahada ng Pilipinas sa Prague na kunin ang kompletong impormasyon nilang mga Pilipino sa Ukraine para madali silang malocate sakaling lumalala ang sitwasyon.

Dagdag niya na kung lumala ang sitwasyon ay hindi sila mapapauwi ditoy sa Pilipinas kundi mairepatriate lamang sila sa ibang bansa kaya sa ngayon ay nakikipagpulong na sila sa Prague at Poland.