-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN — “Wala tayong magagawa.”

Ito ang naging kasagutan ni Prof. Mark Anthony Baliton, isang Political Analyst, hinggil sa pagtakbo ng tatlong miyembro ng pamilyang Duterte para sa 2025 mid-term elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na kung kagustuhan man nila former President Rodrigo Duterte, Congressman Paolo Duterte and Davao City Mayor Sebastian Duterte na tumakbo para sa Senado sa susunod na taon ay karapatan nila ito.

Aniya na kung iboboto man sila ng mamamayang Pilipino ay wala ring magagawa ang sinuman laban dito, dahil na rin sa isang demokratikong bansa ang Pilipinas.

Naniniwala naman ito na matatalinong botante ang mga Pilipino at alam na ng publiko kung ano ang tama at mali.

At sa oras man na magkaroon ng political dynasty sa bansa ay wala ring ibang pwedeng sisihin ang mga Pilipino kundi sila mismo na nagluklok sa mga pulitiko sa kapangyarihan.