-- Advertisements --

Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Yangon, Myanmar na na-relocate na at nabigyan ng pansamantalang matutuluyan ang unang batch ng mga Pilipinong nag-avail ng voluntary relocation program matapos maapektuhan ng tumamang malakas na lindol.

Ayon sa Embahada, nakatakdang i-relocate ang panibagong batch ng mga Pilipino bukas, Abril 6.

Habang nasa kustodiya ng Embahada ang mga ito, makakatanggap ang mga Pilipino ng tulong pinansiyal at medikal tulad ng trauma counselling.

Nauna ng iniulat ng Embahada na na-relocate na ang nasa 15 Pilipino noong araw ng Huwebes.

Samantala, kinumpirma ni Chargé d’Affaires Angelito Nayan na nasa ligtas na kalagayan ang 121 mula sa 128 na rehistradong Pilipino sa Mandalay, kung saan napaulat ang 4 na nawawalang Pilipino.