-- Advertisements --
LAOAG CITY – Umabot na sa 1,107 ang kaso ng covid-19 sa New Zealand, kung saan 1,006 dito ang nakarekober at 13 ang patay.
Ito ang iniulat ni Bombo International Correspondent Adonis Yasana, taga San Nicolas, Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho sa South Island, New Zealand.
Ayon kay Yasana, nagtabtrabaho ito sa farm at sila ang kumukuha ng gatas ng mga baka.
Ipinaliwanag niya na maituturing na Essential Service ang trabaho nito kaya patuloy ang kanuang trabaho sa gitna ng ipinatupad na lockdown sa nasabing bansa dahil sa covid-19.
Kwento pa niya na maraming Pilipino sa New Zealand ang tumigil at nawalan ng trabaho gaya ng mga karpintero, builders at iba pa, subalit suportado sila ng gobyerno.