Nakapagtala ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa Philippine Statistics Authority nitong buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Batay resulta ng pinakahuling Labor Force Survey ng ahensya, bumaba sa 2.17 milyon ang bilang ng mga jobless Filipinos sa bansa na may edad na 15 taong gulang pataas nitong Mayo 2023, mula sa una nang naitala noong Abril 2023 na 2.26 million.
Mas mababa rin ito kumpara sa 2.93 million na mga unemployed individuals na naitala sa bansa noong Mayo 2022.
Ayon kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa, ang naturang bilag ay mayroong katumbas na 4.3% ng 50.43 million na kabuuang bilang ng labor force sa Pilipinas, na mas mababa rin sa 4.5% ng April 2023 at 6% na naitala naman sa May 2022.
Ibig sabihin, 43 out of 1000 individuals ay walang mga trabaho o kabuhayan noong panahon na isinagawa ang naturang survey.