Isasama ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang intelligence monitoring ang lahay ng mga presong naharap sa mabibigat na kaso subalit napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance Law (GCTA) kabilang ang apat na Chinese na sangkot sa illegal drug trade pinalaya nuong buwan ng Hunyo.
Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, ang tanging magagawa lamang nila ay imonitor ang galaw ng mga pinalayang preso dahil sa GCTA.
Hindi naman dini-discount ni Albayalde ang posibilidad na lumawak pa ang operasyon nila lalo’t nakalaya na ang mga ito.
” I think that will be part of our intelligence monitoring. Part po yan ng ating intelligence monitoring dahil alam naman natin na itong mga ito ay former drug trader, at alam naman natin na kahit nasa loob, ay meron pa rin namang hindi tumigil, what more kung nasa labas yan. We have to monitor these people,” payahag ni Gen. Albayalde.
Matatandaang pinangalanan ni Senator Ping Lacson ang apat na pinalayang Chinese Nationals na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che at Wu Hing Sum habang iliipat naman sa pangangalaga ng Bureau of Immigration si Ho Wai Pang.
Si Lacson ang nagbunyag kaugnay sa mga Chinese drug lords na pinalaya sa Bilibid.
Binalaan naman ng PNP ang lahat ng mga napapalayang preso na hindi sila mag atubiling arestuhin muli ang mga ito kapag masangkot muli sa ibat ibang krimen.
“Sa atin pong mga kababayan, or ating mga member ng PNP pa or ex-PNP na naiinvolve sa illegal na droga, I think by this time alam na nila kung gaano ka-serious ang ating gobyerno dito, we better stop this criminal activities. Hindi po titigil ang PNP at other law enforcement agencies para maubos or mawala yung problema natin sa illegal na droga,” ani ni Albayalde.