-- Advertisements --
In-demand pa rin ang mga Filipino nurses sa iba’t ibang mga bansa.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, ang employment opening sa mga Pinoy ay kinabibilangan ng bansang Qatar, Kuwait, United Arab Emirates, United Kingdom, Germany at Estados Unidos.
Dagdag pa nito, dahil sa matinding demand sa mga nurses kaya nararapat na pahalagahan ang mga ito.
Magugunitang dumipensa ang POEA na lilimitahan lamang sa 5,000 na mga nurses ang papayagang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Kailangan din aniya na may matirang nurses sa bansa para may mag-alaga sa mga pasyente na nadapuan ng COVID-19.