BACOLOD CITY – Muling sumiklab ang kagulahan sa Barcelona nang magprotesta ang mga Catalans kontra sa gobyerno ng Espańa dahil sa pagpataw ng parusang ilang taong pagkakakulong sa mga inarestong dating lider ng Catalan autonomous community.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Leo Magtibay, iniulat nito na suspendido ngayon ang trabaho sa Barcelona dahil na rin sa panununog ng mga protesters at panghaharang sa mga daanan.
Dahil dito, naging mahina rin ang kita nila sa restaurant na pinagtatrabahuhan dahil kakaunti na lang ang naglalakas ng loob na lumabas ng bahay dahil sa takot na maipit sa tnesiyon.
”Sunod-sunod na tuwing gabi nagtitipon sila, nagsusunog sila, nagsisiga sila ng mga kalsada. Nakakatakot dito ngayon. Nahihirapan kaming uuwi sa gabi mula sa trabaho kasi may mga siga sa kalye hindi maka daan ang mga sasakyan. Dito ngayon sa restaurant namin marami ang nag cancel at hindi na kakain dahil nga sa magulo ayaw na nila lumabas ng mga bahay.”
Kung maalala dalawang taon ng hinihiling ng Catalan ang kalayaan mula sa Spain at noong Septembe, 2017 naman ng ipinakulong ng High Court of Justice ng Catalonia ang mga lider ng pag-aalsa.