Dumating na sa Paris Olympic Village ang ilang mga Pinoy athletes, dalawang araw bago pa ang nakatakdang opisyal na pagsisimula ng tinaguriang ‘The greatest show on earth’.
Batay sa naging statement ng Philippine Olympic Committee (POC), excited ang mga atletang Pinoy kasabay ng pagpasok nila sa Athlete’s Village, at handang gumawa ng kasaysayan sa naturang turneyo.
Kabilang sa mga atletang Pinoy na unang nakapasok dito ay sina Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malubuyo.
Sa naturang turneyo ay 22 Pinoy ang nakatakdang makipag-paligsahan sa mga world class champion sa buong mundo.
Pinakaunang atleta na sasabak sa laban ay si Joanie Delgaco, ang kauna-unahang babaeng Pinoy rower na nakapasok sa Olympics.
Nakatakda ang laban ng 26 anyos na rower sa July 27 sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium.
Susundan naman ito ng laban nina Carlos Yulo (gymnastics) at Eumir Marcial (boxing) sa araw ding iyon.
Ang laban ni yulo ay gaganapin sa bercy Arena habang ang magiging laban ni Marcial ay gaganapin naman sa North Paris Arena.