Nagwagi ng mga medalya sa kani-kanilang mga laban ang mga Filipino boxers sa 2022 Thailand Open International Boxing Tournament na ginanap sa Angsana Laguna Phuket Resort Hotel sa Phuket, Thailand.
Nakakuha ng gold medal ang kasalukuyang Southeast Asian Games flyweight boxer Rogen Ladon matapos makuha ang 3-2 split decision laban kay defending Asian Games titlist at 2019 AIBA World Championships silver medalist Amit Panghal ng India.
Nangibabaw naman sa women’s lightweight division si 2019 SEA Games silver medalist Riza Pasuit matapos talunin si Alessia Mesiano ng Italy.
Nadomina ni Hergie Bacyadan ang laban niya kay Tran Thi Oanh Nhi, 5-0 para makuha an gold medal sa women’s middleweight category.
Silver medal naman ang naiuwi ni Ian Clark Bautista matapos talunin siya ni Serik Termizhanov ng Kazakhstan sa men’s featherwieght.
Habang silver medal din ang naiuwi ni Aira Villegas ng talunin siya ni Nguyen Thi Tam ng Vietnam sa women’s flyweight.
Labis naman ang kasiyahan ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ed Picson dahil sa tagumpay at paghakot ng mga medalya ng ating boksingero.
Tiwala ito na makakahakot ng medalya ang boxing team sa pagsabak sa Southeast Asian Games.