-- Advertisements --

Nagkaroon ng magandang resulta ang ginagawang training sa Thailand ng mga Pinoy boxers na sasabak sa Tokyo Olympics.

Sinabi ni national team coach Don Abnett, na sapat ang pagsasanay na ginagawa nina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam.

Kasalukuyang nasa Zamboanga si Eumir Marcial na makakasama nila pagkatapos ang laban niya sa Asian Elite Men and Women Boxing Championship ngayong buwan.

Kasama ni Abnett sina boxing coaches Boy Velasco at Ronald Chavez.

Nakakuha rin sila ng mga sapat na sparring partner para mas maging maganda ang paghahanda nila sa Olympics.