Patuloy ang pamamayagpag ng mga Pinoy cue artist sa ginaganap na Abu Dhabi Open 9-Ball Championship.
Pinangunahan ng kasalukuyang US Open Pool Champion Carlo Biado ng talunin ang homecrowd favorite na si Mohamad Eiljeffrey, 9-0 sa kanilang kick-off campaign.
Magugunitang naging kauna-unahang Filipino na nagwagi ang 38-anyos na si Biado ng US Open Pool Champion noong Setyembre kasunod ni Efren “Bata” Reyes noong 1994.
Ilang mga Filipino rin ang nagwagi sa unang round gaya ni Roland Garcia na tinalo si Hussain Ali ng United Arab Emirates sa score na 9-4, ang Dubai-based na si Arman Cagol ng talunin ang kapwa Pinoy na si Jordan Banares sa score na 9-5.
Tinalo rin ng Abu Dhabi based na si Jayson Nuguid ang kapwa Pinoy na si Carlo Raymundo sa score na 9-7.
Nagwagi rin si Arnel Bautista laban sa kapwa Pinoy na si Jhun Banlasan sa score na 9-4, hindi naman pinaporma ni Oliver Mendenilla si Mohamad Fharaj ng Iran sa score na 9-5.
Binigo naman ni Aivhan Maluto si Abdulla AlNuami ng UAE sa score na 9-5 habang nangibabaw si Israel Rota laban kay Mohammad Ali ng UAE sa score na 9-5.
Ang magwawagi sa nasabing torneo ay makakapaguwi ng nasa P270,000.