CEBU CITY – Tinawag na “istupido” ni Dr. Clarita Carlos, isang political analyst at UP Diliman professor ang mga Pilipino dahil sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.
Ito ay sa gitna ng usapin ng Philippine offshore gaming operation (POGO) hubs kung saan maraming mga Chinese ang nagtatrabaho rito at ang ilan ay wala pang mga proper documents.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Dr. Carlos, kinwestyon ni Carlos ang pagbibigay ng visa sa mga foreign workers kung makarating na sila sa bansa (visa upon arrival).
Habang ang isang Pilipino ay nahihirapang makakuha ng visa papuntang China,
Ayon sa professor “napaka-istupido” umano ng Pilipino na nagbibigay ng privilege sa China ngunit hindi naman naibigay ng China ang katulad na privilege sa mga Pilipino.
Dagdag pa ni Carlos na tayo umano ang kalaban, kaya umano inilagay sa Pilipinas ang POGO dahil bawal ito sa China.
Giit pa ng political analyst na hindi dapat ito hinahayaan ng mga Pilipino.