-- Advertisements --

Lalahukan ng mga kilalang musikero ang gagawaing virtual jazz festival ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Tinagurian itong “Jazz Stay at Home” ay mapapanood sa Facebook page ng CCP at center’s Office of the Presidente sa huling linggo ng Setyembre hanggang Oktubre.

Magsisimula ito sa Setyembre 25 kung saan pasisinayan ito ni CCP President Arsenio Lizaso.

Ilan sa mga naimbitahan ay si award-winning singer at songwriter Nicole Laurel Asensio na siyang tinaguriang “schizoprano” dahil sa kakaibang boses nito.

Magtuturo din kung paano tumugtog ng saxophone ang muti-awarded saxophonist at musical arranger Michael Guevarra.

Ang nasabing programa ay isinagawa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.