CAGAYAN DE ORO CITY – Aminado ang Filipino communities na ikinagulantang rin nila ang pasabog na binitawan ng mag-asawang Prince Harry at Megan Markle laban sa kaharian na pinamunuan ni Reyna Elizabeth ng United Kingdom (UK).
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Msgr. Salvador Telen, vicar ng St Paul’e Theological Seminary ng England na hindi umano inaasahan ng buong Inglatera ang naging laman ng mga pasabog ng mag-asawa habang humarap ng panayam kay Oprah Winfrey sa Amerika.
Inihayag ni Telen na bagamat hati ang mga mamamayan sa nabanggit na bansa subalit hindi umano masyadong binigyang pansin ng Buckingham Palace ang ganoong klaseng mga usapin.
Bagamat, ilan sa mga Pinoy ang nabigla at maging siya subalit itinuring na isang maliit na isyu lamang ang mga inilabas na hinanakit ni Harry at Markle na higit isang taon nang tumalikod sa Royal family at sariling nagsisikap sa Estados Unidos.
Kinumpirma rin nito na hindi nagbigay ng pisikal na panayam sa British media ang reyna bagkus ay mayroong inilabas na pag-depensa si Prince William kung saan pinasinungalinan ang akusasyon ng kanyang kapatid at Megan na pinahintulutan ng Palasyo ang isyu ng racism.
Magugunitang isa sa mga inaangalan ni Megan ang umano’y pag-kuwestiyon ng Royal family sa naging kulay ng balat sa anak nila ni Harry na si Archie.