-- Advertisements --
315655540 5512200208892742 2560996971086284595 n
AL KHOR, QATAR – NOVEMBER 20: Performers perform during the opening ceremony prior to the FIFA World Cup Qatar 2022 Group A match between Qatar and Ecuador at Al Bayt Stadium on November 20, 2022 in Al Khor, Qatar. (Photo by Lars Baron/Getty Images)

LEGAZPI CITY – Kabilang ang mga Pilipino sa Qatar sa mga napili na maging volunteers na tumutulong ngayon sa pagsasagawa ng 2022 FIFA World Cup sa bansa.

Ayon kay Melchor Omanito Jr., ang Bombo International News Correspondent sa Qatar at isa rin sa mga volunteers sa event, sa mahigit 400,000 nag-apply upang maging volunteer sa aktibidad, 20,000 lamang sa mga ito ang napili at karamihan ay mga Pilipino.

Kilala kasi umano ang mga Pinoy na masisipag at tutok sa pagtatrabaho kung kaya napili ng mga organizer na tumulong sa prestihiyosong event.

Ayon pa kay Omanito, sulit naman ang kanilang pagpapagod bilang volunteer dahil libreng nakakapasok sa stadium at nakakapanood pa ng mga event.

Samantala, sa resulta ng pinaka-unang laban sa world cup, maraming mga residente ng Qatar ang nalulungkot sa pagkatalo ng kanilang team subalit masaya pa rin na naging matagumpay ang opening ng aktibidad.

Umaasa naman ang mga Qatari na walang magiging problema at magiging matagumpay ang kabuuan ng world cup.