-- Advertisements --

Nagkukumustahan na lamang ang Filipino community sa Southern California, para makibalita sa kalagayan ng isa’t-isa dahil sa 7.1 magnitude na lindol.

Ayon sa record ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa halos 1.5 million Filipinos ang nasa California, maliban pa sa mga bumibisita lamang doon.

Pero lumalabas na ligtas naman ang mga ito, ngunit mahigpit ang bilin ng ibayong pag-iingat, dahil sa posible pang mga kasunod na pagyanig.

Sa report ni Bombo international news correspondent Jun Villanueva, karamihan ay nasa mga bahay ng mangyari ang lindol dahil gabi na iyon nangyari.

May mga abiso rin daw silang natatanggap kaya may gabay ang mga tao kung ano ang mga dapat gawin sa ganitong pagkakataon.

“Nagpapalabas ng mga abiso ang ating embassy dito para alam ng mga kababayan natin ang gagawin. Pero good news dahil wala namang gaanong naapektuhan,” wika ni Villanueva.