Inihayag ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na tinitingnan ng gobyerno ng Pilipinas ang kapakanan ng mga Pilipinong naninirahan sa Taiwan sa gitna ng tensyon sa kalapit na Tsina.
Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello III, sa isang pulong-balitaan, preparado ang gobyerno ng Taiwan hindi lamang aniya sa pagprotekta ng kanilang nasasakupan kabilang na rin ang ating mga kababayan na nagta-trabaho sa naturang bansa.
Sinabi pa ni Bello, na tiniyak ng National Police Agency ng Taiwan ang proteksyon ng mga Pilipino doon.
Sinabi ng opisyal ng MECO na 90% ng mga pabrika sa Taiwan ay sineserbisyuhan ng mga manggagawang Pilipino.
Humigit-kumulang 160,000 OFW ang nasa mga pabrika, habang ang iba ay highly skilled teachers, magsasaka, at manggagawa sa hospitality industry.