-- Advertisements --

ILOILO CITY- Walang pinoy na nadamay sa nangyaring pagsabog sa chemical park sa Leverkusen, Germany.

Napag-alaman na pumalo na sa dalawa ang namatay, 31 ang sugatan at lima ang missing sa nangyaring explosion.

Ayon kay Bombo International Correspondent Aimee Andaya Hilger direkta sa Germany, nanyari ang pagsabog sa waste management facility sa Chemical park site kung saan nakatayo ang mga chemical companies ng Bayer at Lanxess.

Anya, nilinaw ng Federal Office for Civil Protection and Disaster Assistance na walang ‘any kind of abnormality’ sa measurements sa air pollution sa nasabing lugar.