Walang Filipino ang naitalang nasaktan o nasawi sa naganap na pagsabog sa Sri Lanka.
Ito ang naging paglilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni Ambassador to Bangladesh Vicente Vivencio Bandillo na kasama nila ang DFA, Philippine Embassy sa Dhaka at Philippine Honorary Consul sa Columbo Hugh Sriyal Dissanayake na patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga Filipino community sa naturang bansa.
Nagpaabot na rin nang pakikiramay ang DFA sa mga namatay na biktima ganon din sa mga nasugatang biktima.
Magugunitang aabot sa 207 katao ang nasawi at mahigit sa 400 ang sugatan sa walong pagsabog sa ilang simbahan at hotels sa Sri Lanka kasabay ng Easter Sunday ng minority Christians sa lugar.
Naganap ito sa St. Sebastian’s Church sa Negombo, St. Anthony’s Shrine sa Colombo at Zion Church sa Batticaloa, ganon din sa apat na hotels sa Colombo.
Tinatayang nasa 500 mga Pinoy ang nakabasi sa Sri Lanka.