-- Advertisements --

Ligtas ang tatlong Filipino na mixed martial arts fighters matapos ang pagtama ng malakas na lindol sa Thailand.

Nakatakda sanang sumabak sa octagon sina Muay Thai fighter Islay Erika Bomogao, Marwin Quirante at Jean Claude Saclag nitong Biyernes para sa ONE Friday Fights 102 na gaganapin sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok.

Sinabi ng 24-anyos na si Bomogao na nagulat sila sa nasabing pagyanig kung saan ipinaabot niya ang pagdarasal sa mga mamamayan ng Thailand.

Magugunitang nasa halos 10 katao na ang nasawi sa naganap na lindol na ang sentro ay sa lungsod ng Sagang.