-- Advertisements --
Nakabalik na sa bansa ang nasa 341 na marinong Fiilipino mula sa Costa Smeralda sa France.
Nasa 233 mga Filipino naman ang dumating sa bansa na sakay ng special flight ng Saudi Arabia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), bahagi ito ng programa nila sa pagpapauwi ng mga Filipino na naapektuhan ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Pinasalamatan naman n DFA Secretary Teodoro Locsin Jr ang Saudi Arabia dahil sa ibinigay nilang tulong para mapauwi ang mga OFW doon.
Samantala, pumalo naman sa 1,114 na mga Filipino mula sa ibang bansa ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang 159 na ang nasawi habang 660 ang ginagamot pa.