-- Advertisements --

Nagsimula na ang Philippine Embassy sa Turkey sa kanilang misyon na magdala ng tulong sa mga Pinoy na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Turkey at Syria.

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to Turkey Maria Elena Algabre ang paghahatid ng tulong at ipinangako nito sa mga Pinoy na huwag mawalan ng pag-asa dahil makakaabot sa kanila ang nasabing tulong.

Sa ngayon nakarekober na ang dalawang sugatang mga Pinoy.

Patuloy pa rin ang embahada ng bansa na nakakatanggap ng mga confirmed at unconfirmed reports ng mga Pinoy na nakakaranas ng mga distress.

Nauna nang nakipag-meet ang team sa mga Pinoy na nasa lungsod ng Adana at Iskenderun at nakatanggap na rin ito ng mga relief goods na kinabibilangan ng mga pagkain, kumot at cash.