BUTUAN CITY – Limitado lamang ang pahintulutan na dumalo sa magaganap na Holy Mass sa Vatican City na pangungunahan mismo ni Pope Francis. Ito ang sinabi ni Edward Reyes isang OFW mula sa Milan, Italy sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan.
Sinasabing ang mga may tickets lamang ang maaaring makapasok sa loob ngunit ang mga walang ticket ay maaaring makakakita sa malaking screen sa labas nga Vatican upang mapanood ang misa ng Santo Papa.
Ito’y bilang pagsunod na rin sa ipinatupad health protocols lalo na ‘t tumaas ngayon ang kaso ng coronavirus.
Sa katunayan, ipahayag lamang ng Santo Papa ang pagdiriwang ng ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas at pagkatapos nito ay babasbasan din ang mga Filipinong dumalo sa misa.
Napag-alamang dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases, nakatakdang isasa-ilalim bukas sa Zona Rosa o Red Zone ang kalahati ng Italy habang sa Abril a-3 hanggang sa a-5 sa panahon ng Holy Week ay ipapatupad sa naturang bansa ang kabuuang lockdown upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.
Dahil na rin ito sa pagpasok ng UK variant sa Italy na siyang nagdadala ng maraming kaso kung kaya’t naisipan ng kanilang pamahalaan na higpitan ang mga health protocols kung saan walang makakalabas ng bahay maliban na lang sa mga health officials o may mahalagang kadahilanan upang umalis.
Napag-alamang isa si Reyes sa mga hindi pa natuarukan ng bakuna ngunit handa naman siya sakaling ipapatawag siya ng mga health officials upang magpabakuna.
Sa ngayon inaasahan lamang nito na maging mabilis ang vaccination roll out sa kanilang bansa upang madaling makontrol ang virus lalo na’t may nakapasok ng ibang variant sa Sars-COV2 virus.