-- Advertisements --

Papayagan na ng gobyerno ang pagpasok ng mga Filipino na galing sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19 kahit na kakagaling lamang lamang nila.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na may ilang mga dokumento na kakailanganin para sila ay makapasok sa bansa.

Ilan sa mga nito ay ang : positive RT-PCR test na isinagawa 48 oras bago ang kanilang flights mula sa bansang kanilang pinanggalingan.

Kailangan din ang medical certificate mula sa license physician na nakasaad na natapos na nila ang mandatory isolation at nagsasabing hindi na sila nakakahawa at ang positive RT-PCR test na isinagawa ng hindi lalagpas ng 10 at 30 araw bago ang kanilang pagtungo sa bansa.

Dagdag pa ni Nograles na nag mga pasahero ay sasailalim pa rin sa facility quarantine na depende pa rin sa kanilang vaccination status at COVID-19 risk classification na bansa na kanilang pinanggalingan.