-- Advertisements --
Handang ilikas ng gobyero ang mga Filipino na nasa Gaza Strip dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel.
Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac na karamihan sa mga inilikas ay mula sa Gaza at kalapit na siyudad ng Ashkelon at Ashdod.
Dagdag pa nito na hindi pa agad na makakabalik sa Pilipinas ang mga inilikas ng mga Filipino dahil sa patuloy ang pagpapaulan ng mga Israel ng missile.
Sa kasalukuyan ay humihingi muna sila ng tulong sa mga ligtas na lugar.
Mayroon na aniya na silang lugar na nakita na paglalagyan ng mga inilikas na mga Filipino.
Labis na pinasasalamat din ngayon ng OWWA na walang mga Filipino ang nadadamay sa patuloy na pag-atake ng mga Israel at mga militanteng grupong Hamas.