Nilinaw ng Malacañang na na ang mga Pilipinong kasama sa repatriation programs ng gobyerno ay hindi covered ng travel restrictions na ipinatutupad sa mga inbound travelers mula India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, hindi pinagbabawalang umuwi ng bansa ang mga nasabing Pilipinong kasali sa repatriation activities ng manning/recruitment agencies na cleared na ng Bureau of Quarantine.
Ayon kay Sec. Roque, pagdating sa bansa, sila ay sasailalim sa testing atd quarantine protocols na inilatag ng IATF.
Magugunitang ipinaiiral ng gobyerno ang travel ban sa mga pasaherong manggagaling sa India at anim pang bansa sa Middle East at napalawig ito hanggang Hunyo para mapigilan ang pagpasok ng Delta variant ng COVID-19 na nagsimula sa bansang India.