-- Advertisements --
image 163

Nangako ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng financial at housing assistance para sa mga Pilipinong nasa Turkey na apektado ng malakas na lindol.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na nasa 78 na Pinoy ang nasa shelter na nirerentahang dormitoryo ng embahada sa Ankara habang 158 naman ang nasa hard-hit regions.

Kung maalala, noong Miyerkules ay nasa 24 na Pinoy ang dumating sa bansa matapos silang ilikas sa naturang bansa.

Ang unang grupo ng repatriates mula Turkey ay dumating sa Pilipinas noong Pebrero 27.

Ayon kay De Vega ang bawat repatriates ay nakatanggap ng $200 o nasa P10,000 bilang initial assistance noong dumating sila sa bansa.

Dagdag ni De Vega, karamihan daw sa mga Pinoy doon ay mas piniling manatili doon habng nagrerekober ang naturang bansa kasunod ng pagtama ng 7.8 magnitude na lindol.

Pero sakali naman daw na magdesisyon ang mga Pinoy na bumalik na lamang sa bansa ay puwede naman silang lumapit sa embahada para maalalayan.