-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Ligtas nang nakauwi dito sa Pilipinas ang ilang Pinoy matapos ang mahirap na dinanas sa China kung saan ilang araw din silang stranded sa nagsaradong hotel na kanilang pinagtatrabahuan.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Dave Luntayao, masaya silang nakauwi ngunit kapalit nito ay nakakaranas naman daw sila ng diskriminasyon kaugnay sa 2019 corona virus scare ang kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Luntayao na pamamagitan umano ng Bombo Radyo Philippines ay nais niyang malaman ng lahat kung gaano naman sila nasasaktan kung saan maging pamilya nila ay iniiwasan dahil baka nahawahan daw umano nila ito ng novel coronavirus.

Huwag naman aniya silang katakutan dahil negatibo naman sila nCoV matapos ang mahirap na pinagdaanan sa ginawang mga pagsusuri.

”Yun lamang po ang masasabi ko, huwag niyo po kaming katakutan. Kami po ay dumaan sa katot-takot na procedure na ‘yun. Talagan proven and tested ang Bombo Radyo Philippines dahil accurate po lahat ng mga news na binabalita nila kaya po sa Bombo Radyo rin po ako lumapit kaugnay sa aming mga kalagayan about don sa mga pangayayari na naranasan namin sa China.”

Sa naibahagi din ni Neri Corpuz na kasama ni Luntayao, hindi na aniya siya lumalabas ng bahay dahil ayon sa kaniyang kapatid, hindi daw ito papapasokin sa trabaho pag nalamang may kasama sila na galing sa China.

Sa kabila nito ay nagpapasalamat naman ang dalawa dahil sa pamamagitan ng Bombo Radyo Philippines ay nakontak sila ng Philippine embassy sa China bago tuloyang maka uwi ng ligtas dito sa bansa.