-- Advertisements --

Bumama ng tatlong porsyento ang bilang ng mga Filipino na sila ay nagsabing mahirap.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) na mayroong 45% o katumbas ng 11.4 milyong pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay mahirap noong buwan ng Setyembre.

Ang nasabing survey results ay mas mababa ng tatlong porsyento na may total na 48 percent o 12 milyon pamilya ang nagsabing sila ay mahirap.

Lumabas din sa survey na 34 percent sa ito ang nagsabing nasa borderline poor o ang hindi mahirap at hindi mayaman habang 21 percent ikinokonsidera ang sarili bilang hindi mahirap.

Base rin sa survey na ang self-rated poor sa Metro Manila ay bumaba habang ang borderline poor ay tumaas sa Visaya.

Mayroong 1,200 adults sa buong bansa ang isinailalim sa face-to-face survey na isinagawa mula Setyembre 12-16.