Bumaba sa humigit-kumulang 2.5 milyong pamilyang Pilipino o 10% noong Setyembre 2021 ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng” involuntary hunger”, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Ang September figure sa hunger rate ay 3.6 points na mas mababa kaysa sa 13.6% o 3.4 na pamilyang Pilipino, na nakaranas ng gutom dahil sa kakulangan ng pagkain na makakain noong Hunyo 2021.
Nabanggit din ng SWS na ang kamakailang resulta ay 11.1 puntos mas mababa sa 2020 taunang average na 21.1% ngunit tumaas nang 0.7 points sa pre-pandemic o 2019 taunang average na 9.3%.
Sa 10% hunger rate noong Setyembre, 7.9% o 2 milyong pamilya ang nakaranas ng katamtamang gutom habang 2.1% o 534,000 pamilya ang nakaranas ng matinding gutom.
Sa Metro Manila naranasan ang pinakamataas na involuntary hunger.
Sinundan ito ng Luzon at Mindanao, parehong may 10.3% at Visayas na may 6%.
Naging partisipante ng non-commissioned survey ang 1,200 adults sa buong bansa, na may tig-300 sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.