-- Advertisements --
Umabot na sa 370 Pilipino ang natulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makatakas sa kaguluhan sa Ukraine at makauwi sa bansa.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglikas ng nga Pinoy na naiipit sa Ukraine-Russia crisis.
Nakatutok ang Philippine Embassies sa Warsaw, Budapest, Honorary Consulate General sa Kyiv at Honorary Consulate sa Chisinau, sa pagtulong sa mga Pilipinong lumilikas sa giyera sa Ukraine.
Patuloy namang tinutulungan ng Philippine Embassy sa Warsaw ang mga Pinoy na tumatawid sa border ng Poland at Ukraine.
Ang Ukraine ay nasa ilalim ng Alert Level 4 ng DFA, o nangangailangan ng mandatory evacuation dahil sa nagaganap na labanan sa pagitan ng Russian at Ukrainian forces.