Maraming mga Filipino pa rin ang umaasang magiging masaya pa rin ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.
Sa inilabas na survery ng Social Weather Station (SWS) na mayroong 65 percent sa mga Filipino ang nagsabing magiging masaya ang Pasko.
Ito ay mas mataas ng 15 percent kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang 50 percent.
Bumaba rin ang bilang ng nagsabing magiging malungkot ang kanilang Pasko na mayroon lamang 8 percent.
Mas mababa ito sa 15 percent noong 2020 na nagsabing malungkot ang kanilang Pasko.
Umabot naman sa 22 percent ang nagsabing hindi tiyak kung masaya o malungkot ang pagdiriwang nila ng Pasko ngayong taon.
Isinagawa ang survery noong Disyembre 12 hanggang 16 sa pamamagiitan ng face-to-face interviews sa may 1,440 adults o 18-anyos pataas mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.