-- Advertisements --
Pumalo na sa 4 milyong mga Filipino ang walang trabaho noong Pebrero.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) katumbas ito ng 8.7 porsyentong unemployment rate na ikatlo sa pinakamataas mula noong Abril 2005.
Kasabay din nito ay tumaas din ang bilang ng mga underemployement o mga empleyadong naghahanap ng trabaho na mayroong malaking sahod.
Nababahala naman ang mga eksperto na lalong tataas ang nasabing bilang ng unemployment kapag magpapatupad muli ng lockdown.
Nauna ng nagpahayag si acting socioeconomic Plannig Secretary Karl Kendrick Chua na aangat ang ekonomiya ng bansa dahil nagsimula na ang vaccination program ng gobyerno.